Wednesday, March 18, 2009

Sa Iyong Paglumbay




Sa kabila ng iyong dalumhati
Lunes na makulimlim nakikisama
Kami ay lubos mong napangiti
Sa iyong nakakatuwang talumhati

Datapwat ang muling akala
Na ang dahilan ng iyong paglumbay
Ay ang pagpapakasal nong Biyernes ni Pana
Pero di bale ikaw naman ay may isa pang Papa

Ikaw rin ay lubusang maaalala
Kulang ang alaskahan kung ikaw ay wala
Ngunit labis naming ikakatuwa
Dahil ika’y nakita naming nagdalaga sa lupa ng SirenangLeon

Kaya kung ikaw ay mapadaang muli sa Singapura
Ikaw ay mapasabi
At kung kami ay narito pa
Siguradong tayo ay magkikita-kita.

Grabe ka, makata ka pala Eliza!
Ingat sa pag-inom at baka ma-ulit ang pag-ikot ng paligid tulad sa Diageo.
Yong pag-sideline ng tulad sa Kamayan, iwasan okay.
Tatandaan namin ang 10-10-10!

Ingat lagi and keep in touch. We miss you!
Napatawa mo kami sa dalawa mong mail!

No comments: