Monday, December 31, 2007

Philippine jokes


REPORTER: Sir, kung wala po kayong evidence, witness or suspect ano na po ang next step ninyo?? Police: DNA na...
REPORTER: sir, ano po yung DNA ???
Police: "Di Namin Alam "

Man1: Away kami ni misis, nag-Historical siya
Man2: Pare baka ang ibig mo sabihin ay nag-Hysterical
Man1: Hinde, historical kasi inungkat lahat ng kasalanan ko!"

"Naglalakad ang mag-ama, nakakita ng eroplano
ANAK: Tay! Krus! Ang laking krus!
TATAY(Binatukan ang anak): Nakita mo ng krus eh! Lumuhod tayo!"

Employee: boss pwede ba ako nalang ang papalit dun sa pwesto ng manager natin na kamamatay lang?
Boss: ok lang sa akin na ikaw ang pumalit sa kanya, ewan ko lang kung papayag ang punerarya.

bobo1: Pare, alam mo ba ang tawag sa paniki na mababa ang lipad?
bobo2: hindi eh! ano ba pare?
bobo1: Lowbat pare! Lowbat!

Boy: Nay! Muntik na ako maging top one sa klase!
Nanay: Bat mo naman nasabi?
Boy: Ini-announce kasi kanina yung top one sa klase. Ang tinuro ni ma'am yung katabi ko. Muntik na ako!

Bush visited the Philippines and Erap acted as his translator:
Bush: "Lets help one another..."
Erap: "Tayo'y magtulungan. .."
Bush: "...let's strive together..."
Erap: "...tayo'y magsikap..."
Bush: "...because in union there is strength."
Erap: "...dahil sa sibuyas may titigas!"

Erap writing on a slum book: Favorite Actor:
Arnold Scharzene... ... (erase)
Arnold Schwarze... ... (erase)
Arnold Schwarzz... ... (erase)
Arnold Shwazenne... . ..(erase)
Arnold Shwazenner.. . ..(erase)
Arnold Shwarzenneg. . ..(erase)
Arnold Schchwarzenne. .. (erase)
Arnold Clavio

Pare 1: Pre, nasusuka ako kaya lang di ako masuka
Pare 2: Madali lang yan pre, sundutin mo tonsils mo (pare 1 sinundot ang tonsils ..)
Pare 1: Di pa rin e
Pare 2: Hmmmmm ... sundutin mo pwet mo (pare 1 sinundot ang pwet ...)
Pare 1: Wala pa rin
Pare 2: Ngayon, tsaka mo uli isundot sa bibig mo ... pag hindi ka pa masuka nyan ewan ko na!

Holduper: Pili ka, wallet mo o pasabugin utak mo?
Biktima: Ikaw na bahala..basta pareho po yan walang laman!
Pare1: Pare, bat naman hanggang ngayon wala ka pang syota? wala ka pa bang napupusuan? Pare2: Meron.. Manhid ka lang!

ANG NAKARAAN....
May ibinulong ang daga sa elepante. Biglang hinimatay ang elepante. Ano ang ibinulong ng daga? DAGA: Buntis ako, ikaw ang ama!
SA PAGPAPATULOY. ... Dahil di makapaniwala ang elepante, dinala nya ang daga sa doctor. Tuwang-tuwa ang elepante at masayang ibinulong sa daga ang resulta
ELEPANTE: Ako nga ang ama, at elepante ang anak natin, at kambal sila! =)

TEACHER: Anong similarity nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Ninoy Aquino at Apolinario Mabini?
STUDENT: Ma'am, pagkaka-alam ko po, silang lahat ay pinanganak ng holiday!
TITSER: Juan, use recharge & caffeine in a sentence.
JUAN: Si "Recharge" Gutierrez ay si "Caffeine" Barbell. ?

ERAP: Soli ko tong nabili kong DVD.
FPJ: Anong problema?
ERAP: Walang picture, tsaka sound. Sayang. Suspense thriller pa yata to. Tsk, tsk...
FPJ: Anong title?
ERAP: "The Lens Cleaner"

BUNSO: Tay , may multo daw sa kusina natin?
TATAY: Anak, sino naman nagsabi sa iyo nyan?
BUNSO: Si ate po!
TATAY: Ay nako, wag ka nga magpapaniwala dun! Wala namang multo eh! Ang mabuti pa samahan mo na lang ako sa kusina, at iinom lang ako ng tubig...
BATA: Pabili nga po ng ubas....
TINDERO: Wala kame ubas
KINABUKASAN??
BATA: Pabili nga po ng ubas.....
TINDERO: Wala kame ubas
KINABUKASAN ULIT??
BATA: Mama, pabili nga po ng ubas....
TINDERO: Sinabi na ngang wala e! Pag nagtanong ka pa, iistepler ko na yang bibig mo!
AT KINABUKASAN NA NAMAN ULIT??
BATA: Mama, may stapler kayo?
TINDERO: Wala..
BATA: Pabili nga po ng ubas

PROMDI: Lam ko promdi lang ako kaya wag mo kong lolokohin! Bakit ganito ang kwarto ko?!?! Maliit, wala pang kama at bintana..... ha?!?!
ROOMBOY: Sir, nasa elevator pa lang po tayo...

MRS: Bakit ngayon ka lang?
MR: Pasensha na, nagyaya mga officemates ko, nagkainuman lang. Hehe! Hik,
MRS: Lasing ka no? MR: Ako, lashing? Hindi! Hik
MRS: Anong hindi?! La ka namang trabaho, pano ka nagka-officemates?

Thelma: Sabi mo, dok, safe ang calendar method. Eh, bakit ako nabuntis?
Dok: Paano nyo ba ginamit ang kalendaryo?
Thelma: Ginawa naming banig.

Boss asks sexy secretary to a dinner after overtime: Are you free tonight?
The sexy secretary replies: Sir, ha... huwag naman, FREE... Bibigyan na lang kita ng discount!

Gumimik sa mall ang tatlong binatilyo...
Jepoy: SYET! Ang cute nung girl!
Kevin: Sexy pa! Grabe!
Nathan: Sino? Yung naka-mini skirt, na red? Yun, yun ba? Ha? Kilala ko siya! Teka tatawagin ko ha, kuyaaahhh Ambet!

Host: Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?
Tanda: Pwede ho bang manawagan?
Host: Ilang taon na po kayo?
Tanda: 98 y/o na po ako.
Host: Wow! Ang tanda nyo na pala! O, sige po... manawagan na kayo.
Tanda: Itay, umuwi na kayo! Hindi na nagagalit si Lolo sa inyo!


Namatay ang isang mister na babaero. Sa requiem mass, sinabi ng pari patungkol sa namatay, "An honest man, a good man, a family man" et cetera. Binulungan ng biyuda ang panganay na anak, Pakisilip nga ang kabaong kung talagang daddy mo nga yung nasa loob!"

1 comment:

Anonymous said...

nice blog, come back later